top of page

How to build your Emergency Fund?


Bago natin alamin kung paano mag-ipon ng Emergency Fund, alamin muna natin kung ano ang ibig sabihin nito at bakit importante na mayroon tayo nito.


Emergency Fund

a personal budget set aside as a financial safety net for future unexpected expenses.

Ibig sabihin, ang Emergency Fund ay ang pagtatabi ng pera para maging handa sa mga hindi inaasahang financial emergencies. Tinatawag din itong "Rainy Day Fund" kung saan sa oras ng tag-ulan sa buhay natin, mayroon tayong mapagkukunan ng gastos at hindi na natin kailangan humiram ng pera sa ating pamilya, kamag-anak o kaibigan.


Kailangan natin masimulan ng maaga ang pag-iipon dahil ito ang magsisilbing backbone ng ating financial goal at makakatulong din ito para sa ating financial freedom.


Bakit importante and Emergency Fund?


1. PARA MAKAIWAS SA HIGH-PAYING INTEREST DEBT OPTIONS KATULAD NG CREDIT CARD AT LOANS.


Kung hindi ka pa nakapag-simula na mag-ipon para sa iyong EF (Emergency Fund), maaring ito ang maging dahilan ng pag gamit mo sa iyong credit card for instant cash o kaya naman mangungutang ka sa banko para mapunan ang iyong unexpected expenses. Kung nakapag-ipon ka para sa iyong emergency fund, maiiwasan mo ang pagkalubog sa utang at sa pagbabayad ng mga interest sa iyong credit card at personal loan.


2. HINDI KA MAHIHIRAPAN MAGHANAP NG PERA SA ORAS NG EMERGENCY


Kung meron kang naitabi para sa iyong emergency fund, meron ka nang makukuhanan ng pera sa oras ng emergency. Hindi mo na kelangan humiram ng pera dahil napunan na ang iyong funds para dito. Hindi ka na din kelangan manghiram sa iyong kaibigan, kamag-anak or kapamilya. Na minsan ito ang nagiging dahilan ng di pagkakaunawaan sa magkakapamilya at magkakaibigan.


3. IT WILL GIVE YOU PEACE OF MIND


Kung fully funded na ang iyong emergency fund or nakapag-umpisa ka na magsave para dto, makakatulong ito para makpagbigay sa iyo ng peace of mind. Hindi ka na masyadong magwoworry at ma-stress kung saan mo hahanapin ang pera para sa mga unexpected na gastusin. Meron ka ng peace of mind dahil alam mo nang handa ka sa mga unexpected expenses na maaring mangyari.


4. SENSE OF RESPONSIBILITY


Kung ikaw ay nagiipon para sa iyong emergency fund, mapapansin mo na nagsisimula ka nang maging responsable para sa iyong financial freedom. Ibig sabihin nabibigyan mo ng priority ang pagiipon over spending. Responsible ka na bilang housewife, breadwinner or man of the household, ikaw ay nkakapag contribute responsibly para sa iyong pamilya. Nabibigyan mo ng halaga ang paghahanda sa kung ano man ang pwedeng mangyari in the future. Alam ko na dpat hindi tayo magworry about future dahil nakasulat ito sa bible na hindi tayo dapat magworry sa kung ano ang kakainin ntin bukas. Pero maige na din na paghandaan natin at maging responsible tayo sa pag handle ng ating finances. Huwag natin balewalain ang responsibility na binigay sa atin para pangalagaan ang binigay ni Lord na blessings.


5. CREATES FINANCIAL STABILITY YOU NEED TO ACHIEVE YOUR GOALS


Ang pagkakaroon ng EF ay nakakatulong sa atin na maging Financially Stable. Masarap sa makiramdam na alam nating meron tayong Financial Freedom at unti-unti nating na-achieve ang ating mga goals. Hindi ibig sabihin na kapag may Emergency Fund ka na eh di kna mahihirapan sa pera or sa iyong finances. Pero ito ay magandang simula para ma-train ka sa pagiipon at maging wise sa pag-gastos kung alin ang needs at wants at eventually isa-isa mo nang ma-achieve ang iyong goals personally at financially.

 

Ngayon na alam na natin ang ibig sabihin ng Emergency Fund at kung bakit importante ito. Pag-usapan na natin paano ba tayo mag sisimula na punan ang ating Emergency Fund.


Sa iba ay maaring madali lang makaipon ng fund para dito at maganda din kung nakapag simula ka na makaipon para dito. Para naman sa mga nagsisimula pa lng at hindi pa nakakapag-ipon, I'll be sharing with you my tips on how to build your Emergency Fund. Katulad nyo, hindi ko pa din kumpleto ang Emergency Fund namin pero sama-sama tayong mag-ipon at abutin ang ating financial goals. :)


Philippians 4:19

"And God will meet all your needs according to his glorious riches in Christ Jesus"


HOW TO BUILD YOUR EMERGENCY FUND


1. LIST DOWN ALL YOUR LIVING EXPENSES IN A MONTH


Sa pagsave mo ng iyong Emergency Fund, kailangan family first ang ating nasa isip. Kailangan natin mapunan muna ang Four Walls ng ating tahanan. Ayon kay Dave Ramsey, ang four walls ay ang: Food, Utilities, Shelter at Transportation.


Isulat ang lahat ng living expenses katulad ng pambayad sa rent kung ikaw ay nangungupahan o monthly bills ng condo. Isulat din ang lahat ng iyong binabayaran monthly sa utilities (kuryente, tubig, phone bill, internet at gas). Isama mo din ang one month food expenses or groceries at transportation expenses. Gasolina kung ikaw ay may sasakyan o kung ikaw ay nagcocommute, magkano ang iyong nagagastos na transportation sa pagpasok mo sa iyong trabaho.


Ngayon secured na family expenses o ang four walls. Maari mo din idagdag sa living expenses kung mayroon kang binabayaran na insurance (life o health insurance). Maganda na maisama mo ito sa iyong budget dahil kung sakali na mawalan ka ng trabaho, makakapag-patuloy ka pa din sa pagbabayad mo ng inyong insurance.


Kung mayroon ka pang gustong idagdag na importante sa living expenses ay maari mo itong idagdag sa listahan. Dahil ang emergency fund ay depende sa iyong lifestyle, expenses at hindi ito naaayon sa expenses ng iyong kapitbahay o ng iyong kaibigan. Maaring mas malaki ang expenses nila compared sa iyo. So maganda na ilista mo lahat sa papel, notebook or sa ipad ang iyong expenses para mayroon kang bird's eye view kung magkano ang living expenses mo monthly.


2. CALCULATE YOUR LIVING EXPENSES TO GET YOUR DESIRED EMERGENCY FUND


Ang panimulang emergency fund ay magdedepende sa iyong kakayahan sa pagbudget. Hindi tayo pare-pareho ng situasyon sa buhay. Maaring ang iba ay may trabaho at mabilis makaipon, ang iba naman ay freelance ang trabaho at hindi fixed ang income. Paano mo ba i-calculate ang emergency fund mo?


Start small. Kung ang iyong sweldo ay maliit lamang o hindi fixed ang iyong income. Maaring magsimula ka muna sa maliit na savings. Magtabi ka muna ng minimum 5k - 10k pesos or isang buwang sweldo at gradually increase it kung magkaron ka ng mga projects or bonuses.


3 months expenses. Mag-save ka ng 3-4 months ng living expenses mo kung ikaw ay single at wala pang mga dependents, kung medyo bata ka pa at sa tingin mo ay healthy ka. Ito rin ay maari kung sa tingin mo ay stable ang iyong trabaho at in case mawalan ka ay madali kang makakahanap agad ng trabaho.


6 months expenses. Ito ay ang ideal na savings ng emergency fund lalo na kung ikaw ay may dependents at mataas ang cost of living. Ito din ang dapat i-save kung ikaw ay seasonal worker at medyo mahihirapan maghanap ng trabaho kung sakali man na mawalan ng trabaho. Kung ikaw din ay may maintenance at health condition, mainam na magsave ka ng 6 months ng inyong living expenses para sa financial peace ng iyong pamilya.


12 months expenses. Kung ikaw ay maglalaan ng 1 year expenses para sa iyong emergency fund, madami kang makukuhang benefits. Isa na dito ay magkakaroon ka ng freedom sa mga choices mo sa buhay. Maaring gusto mo ng magresign o magretire, at kung mayroon kang savings na nilaan para dito, confident ka na mag-take ng risks at magawa mo yung mga bagay na gusto mo. Kung ikaw ang primary source ng income sa household nyo, maari din na magsave ka ng isang taon na living expenses ng iyong pamilya. Ito ay para maging financially secured ang iyong pamilya. Sa panahon ngayon, kahit may magandang trabaho tayo, hindi pa din sapat na maging comportable tayo na hindi ito mawawala. Dahil sa karanasan natin recently sa pandemic, mabuti na maging handa at mag-save as much as we can at kung kakayanin na magsave ng 1 year fund ay nararapat para makasurvive in times of crisis.


Example Calculation:


Total Living Expenses (Four Walls)

10,000 / month


3 months EF = Php 30,000 (Php 10,000 x 3)

6 months EF = Php 60,000 (Php 10,000 x 6)

12 months EF = Php 120,000 (Php 10,000 x 12)


3. SET A MONTHLY SAVING GOAL


Napaka-importante na meron tayong savings goal dahil ito ang guide natin kung magkano ba dpat ang itatabi natin every month para ma-achieve natin ang desired emergency fund. Pilitin natin maging consistent sa ating savings goal kahit minsan mahirap dahil minsan mayroon tayong mga dapat bayaran na utang o may kailangan tulungan na kapamilya o minsan napupunta sa mga needs natin kaya hindi tayo maka-fully save. Dapat alam din natin ang ating limitations when it comes to saving for emergency fund. Kung hindi mo naman talaga kaya na mag monthly fixed amount, you can always save any amount as long as mayroon kang goal to achieve your full and complete emergency fund.


4. PUT YOUR GOALS INTO ACTION PLAN


Na-lista mo na ang mga expenses mo for the month, alam mo na din paano mag-calculate ng emergency fund, nakapag-decide ka na din kung ilang buwan ang fund na gusto mong itabi at kung magkano ang target mo na monthy savings. Ngayon na ready ka na mag-build ng iyong emergency fund, you can now put your goals into action. Magsimula ka sa pag budget ng expenses para maka-save sa iyong emergency fund. Maaring magtipid pansamantala para mapunan ang savings goal. Isipin mo na lang din na parang bill ito na kailangan mong itabi monthly o kaya naman maari ka din magset ng auto debit sa iyong account. Para sigurado na consistent ang iyong pagsave at less hassle sa iyo dahil hindi mo na kailangan pa itong i-transfer every month. Maari ka din gumawa ng mga saving goals template para matrack mo ang iyong goals. Pwede mo din i-encourage ang iyong husband na magjoin at maging savings partner mo. Gawin mo itong encouraging sa inyong dalawa at magset ng premyo (out of town trip or dinner date) kapag na-achieve ang savings goal. Tandaan mo din bakit importante ang goal na ito at ano ang magiging effect in the future kapag na-achieve mo ito.


Ang action plan ay makakatulong para maging motivated sa pagsave ng emergency fund at assurance na ikaw ay on-track na makumpleto mo ang iyong goal. Kung mayroon kang action plan, ma-momonitor mo ang progress sa iyong funding goals. Malalaman mo kung anong status at kung nag-iimprove ba ang mga plano mo sa pagsave. Dahil sa iyong action plan, mas kampante ka na organized ang iyong savings goal at mayroon kang clear picture kung ano ang desired outcome.



Salamat sa pagbasa ng article na ito. I hope na makatulong ito para ma-umpisahan ang pagsave para sa iyong emergency fund. Tandaan na dapat meron tayong action plan at maging consistent tayo sa ating pagiipon. Kasama nyo din ako na magiipon at hopefully ma-achieve natin soon ang financial freedom. Lagi din tayong magtiwala kay Lord at magdasal na samahan niya tayo sa ating financial journey.


Katulad ninyo, nagsisimula pa din akong punan o kumpletuhan ang aming emergency fund. Madaming challenges pero kakayanin natin ito sa tulong ni Lord. :) I hope samahan ninyo ako sa journey na ito at later on this blog, i-shashare ko din ang mga savings goal namin at mga iba pang bagay sa pagiging homemaker.



Disclaimer: All information posted on this website is merely for educational and information purposes only. This blog is based on my personal opinion and experience, and it is not intended as a substitute for a professional advice.
















Comments


f03de9e57a0147bd8c5f0f641a731be1-0001.jpg

Hi, thanks for stopping by!

This is my little corner where I share my journey as a happy homemaker.

Let the posts
come to you.

Thanks for submitting!

  • Facebook
  • Instagram
  • YouTube
  • Pinterest
bottom of page